Mga kompanya ng langis, magtataas-presyo sa Martes

Tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 9, dahil sa tumitinding tensyon sa pandaigdigang pulitika, ayon sa mga kompanya ng langis nitong Lunes.

Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz, magtataas sila ng P1 kada litro sa gasolina at P1.40 kada litro sa diesel.

Ang presyo ng kerosene ay tataas din ng P0.70 kada litro.

Noong nakaraang linggo, nagtaas na rin ng presyo ang mga kompanya ng langis: P0.70 sa gasolina, P1 sa diesel, at P0.70 sa kerosene. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *