Mahigit 11k ang examinees sa Bar Exam ngayong taon

Mahigit labing-isang libong aspiring lawyers ang humarap sa hamon ng 2025 Bar Examinations na nagsimula kahapon.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng Bar exams, kabuuang 11,437 ang sumabak mula sa 13,193 na kwalipikado ngayong taon na katumbas ng 86.7%.

Pinangunahan ng mga kababaihan ang bilang na may 6,673 takers kumpara sa 4,764 na lalaki. Sa kanila, higit limang libo ang first-time examinees, mahigit apat na libo ang repeaters, at halos dalawang libo ang refresher. Kabilang din ang 206 senior citizens, 241 PWDs, 41 buntis, at 139 na may karamdaman.

Gaganapin pa ang mga susunod na stages ng pagsusulit bukas, Setyembre 10, at sa Linggo, Setyembre 14, sa 14 na testing centers sa buong bansa.

Ang University of Santo Tomas ang nagsisilbing headquarters, habang umaasa ang libu-libong examinees na ang sakripisyo’t pagsusumikap nila’y magdadala sa kanila sa pagiging ganap na abogado.

Good luck sa lahat ng takers! | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photos via Supreme Court PH/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *