PCSO, mas palalawigin ang serbisyo sa mga Pilipino

Palalawakin pa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang mga programa sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino.

Sa isinagawang Charity Summit 2025 na may temang “Serving More Through Greater Collaboration” nitong Biyernes, September 5 sa Manila Hotel, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na mas paiigtingin kanilang mga proyekto katuwang ang pamahalaan para makapaghatid ng serbisyo na nararapat ating mga kababayan.

Tiniyak din niya na patuloy silang mamamahagi ng patient transport vehicle (PTV) para maabot ang target na 100% na mabigyan ang lahat ng bayan at munisipalidad sa bansa.

Nagpasalamat naman si Robles sa mga sumuporta at nakiisa sa summit mula sa national at local government, partner institutions, at beneficiaries para palakasin ang pagtutulungan at mapalawak ang pagpapaabot ng mga programa ng PCSO sa mga Pilipino. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *