PAWS, kakasuhan ang abusadong K9 handler

Sa isang nag-viral na Facebook post noong Martes, September 03, 2025, ibinahagi ng user na si Nicole Andrea ang isang video kung saan nakuhaan niya na nasa akto ng pang-aabuso ng K9 handler sa kanyang service dog na si Bingo sa Meralco premises matapos umanong hindi bitawan ng aso ang bolang kagat nito. | via Kai Diamante

Sinabi ni Espiritu sa kanyang post na, “Sumilip lang talaga ako sa bintana to check if uulan ba…” at pagkatapos ay doon niya na nahuli sa akto ang pang-aabuso ng K9 handler. Dagdag pa ni Espiritu, “Obvious naman, na gusto lang nung handler na bitawan nung K9 dog yung ball. Pero para ganyanin niya?”

Ang insidenteng ito ay nakarating na rin sa Project Kuna, isang animal welfare organization, na nagsabing nakipagugnayan na sila kay Nicole tungkol dito. Dagdag pa ng organisasyon na magbibigay ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ng legal assistance kaugnay ng insidente.

Nakikipagugnayan na rin ang Meralco sa Search and Secure Canine Training and Services International (SAS K9), ang security agency na nakatalaga sa Meralco premises, upang masiguro ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sa pahayag ng Meralco ngayong Thursday, September 04, 2025, sinabi nilang “We are deeply disturbed by what we’ve seen and are treating this matter with utmost seriousness,” Dagdag pa ng Meralco, “The handler involved has been placed under preventive suspension pending the outcome of the investigation.”

Sinigurado rin ng Meralco na ligtas at nakakatanggap ng angkop na pangagalaga ang service dog na si Bingo. Sa pahayag ni Meralco Vice President at Head of Corporate Commissions Joe R. Zaldarriaga sinabi niyang, “Our values demand that we act with integrity and malasakit, a value that guides how we treat not just people, but every living being under our care. What happened is not only unacceptable, it stands in direct contradiction to everything we believe in.”

Sinabi rin ng Meralco na, “Bingo’s well-being remains our top concern. We are ensuring he is cared for in a safe, nurturing environment and will continue to monitor his condition closely. We are also reviewing all related practices to make sure every animal in our operations is treated with respect, dignity, and kindness.”

Idiniin din ng Meralco na walang lugar sa kanila ang animal cruelty, at susubukan nilang siguraduhin na hindi na mauulit ang ganitong klaseng mga insidente. via Kai Diamante D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *