Taylor Swift at Travis Kelce, engaged na!

Fairytale na mailalarawan para sa fans si Taylor Swift dahil ito ay engaged na.

Ibinahagi ng multi-awarded singer-songwriter ang kaniyang engagement sa boyfriend na si NFL star Travis Kelce.

Sa isang joint Instagram post, ibinahagi ng dalawa ang sandaling lumuhod si Travis para mag-propose.

“Your English teacher and your gym teacher are getting married 🧨” caption ni Taylor sa kanyang post.

Naganap ang proposal sa hardin na napalilibutan ng puti at pink na bulaklak, tila isang eksena sa kaniyang mga music videos.

Bukod dito, mas lalo pang magiging makulay ang taon para kay Taylor dahil Sa ika-5 ng Oktubre ilalabas niya ang kaniyang ika-12 studio album na “The Life of a Showgirl.”

Habang si Travis naman ay abala sa paghahanda para sa opening game ng Kansas City Chiefs laban sa Los Angeles Chargers ngayong Ika-5 ng Setyembre, sinasabing maaaring huling season na niya.

Ang relasyon ng dalawa’y unang isinapubliko noong Oktubre taong 2023, at ngayon, pagpunta nila sa altar ang siya nang sinusubaybayan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *