Panukala ni Caloocan Rep. Dean Asistio, bilhin ng mga LGU ang basura ng residente sa halagang P10 kada kilo.
Tinawag niya itong kita sa basura , kung saan kikita na ang tao, at malilinis pa ang kapaligiran.
Layon nitong bawasan ang tambak na dumi na karaniwang itinatapon sa ilog at kanal, na nagiging sanhi ng pagbaha sa Metro Manila.
Giit ni Asistio, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ang ugat ng problema.
Pero kung may kapalit na pera, tiyak mas maeengganyo ang publiko na maging responsable.
Sa huli, simple lang ang mensahe, Imbes na itapon, ipagbili at gawing pagkakitaan ang basura. | via Ghazi Sarip
