Mas magandang Edsa Busway sa unang quarter ng 2026

Sa unang bahagi ng 2026, maaaring magkaroon ng mas maayos na karanasan ang mga pasahero ng Edsa Busway dahil sisimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang rehabilitasyon nito sa ikalawang kalahati ng taon.
Ayon kay DOTr Secretary Vivencio Dizon, target nilang tapusin ang mga panuntunan sa kontrata sa loob ng isang buwan, upang masimulan ang bidding process sa May at maipagkaloob ang kontrata pagsapit ng June o July. Nakakuha rin ang DOTr ng P16.3 milyong grant mula sa Swedfund International AB para sa pagpaplano at disenyo ng proyekto.
Nakita ni Dizon ang pangangailangang magkaroon ng hiwalay na concourse para sa mga bus stations upang maiwasan ang pagsisiksikan sa mga istasyon tulad ng Ortigas, Santolan, at Kamuning. Nais niyang ipattern ang iba pang istasyon sa mga concourse na itinayo ng SM Group sa SM North Edsa at Megamall.
Upang mapabuti ang operasyon, magtatalaga rin ng mga enforcer upang tiyaking hindi lalagpas sa 45 segundo ang hintuan ng mga bus sa bawat istasyon. Sa hinaharap, plano ng DOTr na magtayo pa ng karagdagang istasyon sa timog.
Mula 2022, pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang posibilidad ng pribatisasyon ng operasyon at maintenance ng Edsa Busway. – via Allan Ortega | Photo via Bworldonline.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *