Para kay US President Donald Trump, walang “woke” sa arts! Ipinakilala niya ang mga bibida sa prestihiyosong Kennedy Center Honors: “Rocky” star Sylvester Stallone, country legend George Strait, disco diva Gloria Gaynor, shock rock band KISS, at Broadway icon Michael Crawford ng Phantom of the Opera.
Simula nang bumalik sa puwesto nitong Enero, sinabak ni Trump ang tinatawag niyang “woke agenda” sa mga institusyong kultural, kabilang ang Smithsonian museums. Mula pa noong Pebrero, siya mismo ang itinanghal na board chairman ng Kennedy Center at ngayong Disyembre, siya rin ang magho-host ng gala.
79 anyos na si Stallone, kaedad ni Trump, at kilalang kaalyado niya sa Hollywood kasama sina Mel Gibson at Jon Voight. Si Strait naman, 73, ay may bentang higit 120M na album. Si Gaynor (81) ay reyna ng disco hit I Will Survive, habang ang KISS ay patuloy pa ring umaarangkada sa shock rock. Si Crawford (83), na pumaimbulog sa Phantom, ay tinawag ni Trump na “isa sa greatest talents ever.”
Dating hindi uma-attend si Trump sa honors gala dahil maraming artist ang ayaw sa kanya. Pero ngayong hawak niya ang timon, sabi niya: “We’re restoring the Kennedy Center.” Sa kabilang banda, mainit pa rin ang pagtutok ng White House sa Smithsonian content na gusto raw linisin sa “divisive narratives.” | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV
