Agad na umaksyon si Manila Mayor Isko Moreno matapos mag-viral ang reklamo ng isang motorista na siningil ng dobleng parking fee sa Divisoria. Sa halip na ₱50, naging ₱100 ang singil at ang mas matindi, wala palang uniform o ID ang “attendant.”


Kinilala ng Manila Public Information Office ang salarin bilang si Celestina Orola, 45, na nagpapakilalang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kahit hindi naman empleyado. Sabi pa raw nito, “Ganun talaga bigayan dito,” parang sindikato lang!
Inatasan ni Yorme ang Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) na hanapin at imbestigahan si Orola. Panawagan pa ng SMaRT chief kung may iba pang nabiktima, magreklamo na at magdala ng ebidensya.
Babala ng City Hall walang kukunsintihin sa panlilinlang at siguradong mananagot sa batas ang sinumang mahuhuling lumalapastangan sa tiwala ng publiko. | via Allan Ortega | Photo via Manila Public Information Office
#D8TVNews #D8TV
