Content Creators, kailangan ng mag rehistro ayon sa isang inihaing batas

Suportado ng Malacañang ang panukalang batas laban sa pagpapalaganap ng pekeng balita. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, nais nilang ipagbawal ito at iminungkahi ang pagpaparehistro ng lahat ng content creators upang mapigilan ang maling impormasyon. Gayunpaman, kailangan munang linawin ng mga mambabatas ang eksaktong kahulugan ng “fake news.”
Samantala, muling iginiit ni dating Senate President Vicente Sotto III ang kanyang planong maghain ng batas kontra pekeng balita kung siya ay muling maluluklok sa pwesto.
Sa ilalim ng bagong pinuno ng PCO na si Jay Ruiz, paiigtingin ang kampanya laban sa pekeng balita sa social media. Ayon kay Castro, hindi papansinin ng administrasyon ang mga walang kabuluhang kritisismo mula sa mga kalaban sa politika. Itinanggi rin niya na si Pangulong Marcos Jr. ay nagsimula ng negatibong kampanya, at sinabing hindi naman partikular na tinutukoy ng Pangulo ang sinuman.
Pinaalalahanan din ni Castro ang mga tatakbo sa halalan na siguraduhin nilang may sapat silang kakayahan upang hindi masayang ang oras at pondo ng bayan. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *