Sinabi ni Justin Timberlake na siya ay may Lyme disease

Ibinunyag ni pop star Justin Timberlake nitong Huwebes na may Lyme disease siya isang kondisyon na inilarawan niyang “walang tigil at nakakapahina.” Sa edad na 44 at katatapos lang ng kanyang world tour, naging emosyonal ang dating NSYNC frontman sa kanyang Instagram post.

Ayon sa kanya, sobrang demanding ng tour pisikal, emosyonal, at mental. Habang binabatikos ito ng ilang fans na “kulang sa sigla,” sinabi ni Justin na may mga pinagdadaanan siyang isyung pangkalusugan, kabilang na ang pagkaka-diagnose sa kanya ng Lyme disease. Hindi raw ito para kaawaan siya, kundi para maintindihan ng mga tao kung bakit minsan ay napapagod siya o nakararanas ng matinding sakit habang nasa entablado.

Ang Lyme disease ay isang sakit na dulot ng bacteria mula sa kagat ng tick (kuto ng hayop) na karaniwang matatagpuan sa mga kagubatan sa North America at Europe. Maari itong magdulot ng matinding pagkapagod, pananakit ng kalamnan, at sa malalang kaso pinsala sa immune system at kasu-kasuan.

Bukod pa rito, si Timberlake ay naharap din sa kontrobersya noong isang taon matapos maaresto dahil sa drunk driving sa New York, kung saan kalauna’y nag-plead guilty siya at sinentensyahan ng community service. | via Allan Ortega | Photo via Justin Timberlake/FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *