Ayon sa PAGASA, magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa Luzon at Visayas ngayong Biyernes.
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, at Zambales. Maaaring magdulot ito ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Ang natitirang bahagi ng Luzon at buong Visayas ay makararanas naman ng panaka-nakang ulan o thunderstorm.
Sa Mindanao, inaasahan din ang mga localized thunderstorms na magdudulot ng pag-ulan.
Moderate hanggang malalakas na hangin at alon ang mararanasan sa extreme northern at western Luzon, habang katamtaman hanggang banayad naman sa iba pang lugar.
May binabantayan ding low-pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may mataas na tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV