Iniutos ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ang pag-aresto kina Cristy Fermin at mga co-host niyang sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez, kaugnay ng kasong libelo na isinampa ni Bea Alonzo noong nakaraang taon.
Sa utos ng korte na may petsang Hulyo 21, 2025, sinabi ni Presiding Judge Cherry Chiara Hernando na may “probable cause” upang litisin ang mga akusado. Itinakda ang piyansa sa ₱48,000 bawat isa.
Isinampa ni Alonzo ang kaso noong Mayo 2024 dahil sa umano’y maling, mapanirang, at nakasisirang impormasyon na inere ni Fermin sa kanyang online show. Kasama rito ang usapin ng hiwalayan nila ni Dominic Roque, ang umano’y hindi pagbabayad ng buwis, at isang labor case mula sa dating driver.
Ayon sa abogado ni Alonzo, ginamit ng aktres ang karapatan niya na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga nanira sa kanya.
Depensa ni Fermin patas daw ang kanilang ulat, at pinaalalahanan pa si Alonzo na huwag maging “balat-sibuyas.”
Bukod kay Fermin, nagsampa rin si Alonzo ng hiwalay na kaso laban kay Ogie Diaz at isang hindi pinangalanang tao na diumano’y nagpapanggap na representante niya. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV