Occidental Mindoro na hinagupit ng bagyo, isinailalim sa state of calamity

Idineklara ang state of calamity sa Occidental Mindoro matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 210, ayon kay Gov. Eduardo Gadiano nitong Miyerkules. Base ito sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bunsod ng matinding pinsala dulot ng habagat na pinalala pa ng bagyong Crising, Dante, at Emong.

Aabot sa ₱258.8 milyon ang kabuuang pinsala sa agrikultura, imprastruktura, at iba pang sektor. Kabilang sa pinakamalubhang naapektuhan ang mga bayan ng Mamburao, Sablayan, Santa Cruz, at Abra de Ilog.
Dahil dito, maaaring gamitin ang Quick Response Fund (QRF) para sa agarang tulong sa mga nasalanta.

Mapapadali rin ang aplikasyon para sa calamity loans ng mga miyembro ng GSIS, Pag-IBIG, SSS, at iba pang ahensya. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *