Phivolcs ibinaba ang alert level sa Kanlaon, mga lumikas maaari nang makauwi

Ibinaba na ng Phivolcs ang alert level ng Bulkang Kanlaon mula Level 3 pababa sa Level 2. Ibig sabihin, mahigit 4,000 evacuees na nakatira sa evacuation centers simula pa noong Disyembre ay maaari nang makauwi, ayon sa Office of Civil Defense sa Negros Island Region.

Pero paalala ng Phivolcs bawal pa ring bumalik ang mga residente sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone, dahil may banta pa rin ng biglaan at delikadong pagsabog tulad ng phreatic explosions, pagragasa ng pyroclastic materials, at toxic na gas.

Dating 6-kilometer danger zone ito, kaya mas kaunti na lang ang hindi pa rin makakauwi 45 pamilya mula Canlaon City, 36 sa La Castellana, at 22 pamilya sa Bago City na ililipat na nang tuluyan.

Sa ngayon, may 1,281 pamilya o 4,160 katao pa ring nasa evacuation centers sa Negros Occidental at Oriental. Pero ayon kay Sermeno, 103 pamilya lang talaga ang hindi pa makakabalik sa kanilang mga bahay. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *