Isang lindol na may lakas na 7.9 magnitude ang tumama ngayong Miyerkules malapit sa Severo-Kurilsk, isang bayan sa rehiyon ng Sakhalin sa Russia, na nagbunsod ng babala sa tsunami at paglikas ng mga residente mula sa mga posibleng mapanganib na lugar, ayon sa gobernador ng rehiyon na si Valery Limarenko sa social media.
Ayon kay Limarenko, nakahanda ang mga emergency services at kasalukuyang tumutulong sa mga residente habang iniaakyat sila sa mas mataas na lugar para sa kanilang kaligtasan.
Tiniyak niya sa publiko na kontrolado ang sitwasyon at ginagawa na ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at maibalik agad ang normal na pamumuhay.
Wala pang naiulat na malubhang pinsala o nasawi sa ngayon. | via Allan Ortega | Photo via Xinhua
#D8TVNews #D8TV