Mas optimistiko na ngayon ang International Monetary Fund (IMF) sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2026. Sa kanilang World Economic Outlook report, tinaas ng IMF ang growth forecast para sa bansa sa 5.9% mula sa dating 5.8%.
Ngayong 2025, inaasahan naman na lalago ang ekonomiya ng 5.5%, pasok sa target ng gobyerno na 5.5% hanggang 6.5%.
Ayon sa IMF, matatag pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas kahit may mga panlabas na hamon at hindi tiyak na polisiya.
Sabi ng IMF Mission Chief na si Elif Saxegaard, “The Philippine economy holds significant potential with a sizable demographic dividend and abundant natural resources.”
Pinupuri rin ang mga reporma ng gobyerno sa imprastruktura, kalusugan, edukasyon, at sa pag-akit ng dayuhang mamumuhunan. Pero giit ng IMF, kailangang palakasin pa ang social protection, digitalization, at climate resilience. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV