Nanatili si Castro bilang tagapagsalita ng Palasyo

Mananatili sa puwesto si Presidential Communications Undersecretary Claire Castro bilang press officer ng Palasyo, ayon kay acting Secretary Dave Gomez nitong Miyerkules. Kinumpirma ni Gomez ang muling pagtatalaga kay Castro sa pamamagitan ng isang special order na nilagdaan niya noong Hulyo 29.

Ito’y kasunod ng kanyang direktiba na hilingin ang courtesy resignation ng lahat ng political appointees sa Presidential Communications Office (PCO) bilang bahagi ng reorganisasyon sa loob ng ahensya.

Si Castro ay isang batikang trial lawyer na unang itinalaga sa PCO noong Pebrero, kasabay ni dating acting secretary Jay Ruiz. | via Allan Ortega | Photo via RTVM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *