Chiz Escudero, muling ibinoto bilang Senate President

Muling nahalal si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President sa pagbubukas ng 20th Congress, matapos makuha ang suporta ng mayorya ng kanyang mga kapwa senador. Una siyang naupo bilang pinuno ng Senado noong Mayo 2024 matapos ang pagbibitiw ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Bagama’t nagpahayag ng interes si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na bumalik sa pwesto, hindi naging sapat ang suporta. Ang tinatawag na “veterans’ bloc” nina Zubiri, Sotto, Panfilo Lacson, Loren Legarda, at Lito Lapid ay kalauna’y nagpasiyang bumuo na lamang ng bagong minority group.

Si Sen. Joel Villanueva ang nagsabing 13 sa 24 senador ang pabor sa pananatili ni Escudero. Kasama rin sa mga sumuporta ang “Duter7” bloc nina Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Imee Marcos at ang magkapatid na sina Mark at Camille Villar pawang kaalyado ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *