Pinalawig ng BIR ang deadline ng buwis sa mga lugar na apektado ng ‘habagat’ at bagyo

Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa paghahain ng tax returns, pagbabayad ng buwis, at pagsusumite ng mga dokumento sa mga lugar na apektado ng bagyong Crising, Dante, at Emong, pati na rin ng pinalakas na habagat.

Kasama sa mga sakop ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, ilang bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, at Western Visayas.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., “Unahin ang kaligtasan ng pamilya. Naiintindihan naming mahirap kumilos kapag masama ang panahon, kaya pinalawig ang deadline hanggang Hulyo 31.”

Saklaw din ng extension ang mga Revenue District Offices at Authorized Agent Banks sa mga nabanggit na lugar. Kung ang bagong deadline ay tumapat sa holiday o non-working day, ang susunod na working day ang ituturing na deadline. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *