

Opisyal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Racing Commission (Philracom) noong Biyernes, Pebrero 21, 2025 para suportahan ang patatagin ang industriya ng horse racing sa bansa.
Sa ilalim ng kasunduang ito, magbibigay ang PCSO ng premyo at tropeo para sa mga karerang isasagawa ngayong 2025. Ito ay patunay ng matibay na pakikiisa ng ahensya sa pagpapalakas ng local horse racing industry, na hindi lamang isang larangan ng palakasan kundi isa ring mahalagang sektor na nagbibigay ng hanapbuhay at oportunidad sa maraming Pilipino.
Higit pa rito, ang kasunduang ito ay isang hakbang tungo sa mas matibay na kolaborasyon ng PCSO at Philracom—isang pagkakaisang naglalayong paunlarin at panatilihing masigla ang industriya ng karera sa bansa.