Isang bagong yugto sa kasaysayan ng Jollibee Group ang inilunsad matapos nitong opisyal na ihayag ang kanilang “evolved corporate brand”
layunin nito umano ayon sa Jollibee Group, ang pagkakaroon ng mas consistent na identity sa kanilang lumalawak na hanay ng 19 na mga brand. Mananatili ang legal na pangalan bilang Jollibee Foods Corporation, ngunit opisyal nang gagamitin ang Jollibee Group bilang corporate name sa kanilan operasyon sa buong daidig.
Kabilang dito ang bagong visual identity, at mas systematic na brand architecture. Ayon kay Ernesto Tanmantiong, Global President at CEO ng grupo, ito ay bahagi ng paghahanda ng kumpanya sa mas malawak na global expansion at sa paghikayat ng mga bagong franchise partners, investors, at talents.
May kasalukuyang 9,900 branches sa 33 bansa ang Jollibee Group, kasama sa kanilang mga pagmamay-ari ang Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Red Ribbon, Tim Ho Wan, Smashburger, Yonghe King, at Hong Zhuang Yuan.
Hawak din nila ang prangkisa ng Burger King, Panda Express, Yoshinoya, Common Man Coffee Roasters, at Tiong Bahru Bakery sa Pilipinas. Bukod dito, may ownership stake ang Jollibee sa The Coffee Bean and Tea Leaf (80%), Compose Coffee (70%), Highlands Coffee (60%), at Milksha (51%).
Kasama rin sa kanilang mga strategic partnerships ang Tortazo LLC sa U.S. na pinamumunuan ni Chef Rick Bayless. Kamakailan, namuhunan din ang grupo sa Botrista, isang kompanya sa larangan ng beverage technology.
Sa patuloy na pag-unlad at pagyabong ng Jollibee Group, pinatutunayan nitong hindi lamang ito isang fast-food giant, kundi isang global force na makapaghahatid ng saya at kalidad saan mang suok ng mundo.| via Ghazi Sarip | Photo via Jollibee Group Website
#D8TVNews #D8TV
