Tiniyak ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang agarang tulong para sa mga guro at paaralang sinalanta ng sunod-sunod na Bagyong Dante, Emong, at ng habagat.
“Hindi po natin pababayaan ang ating mga paaralan at guro sa gitna ng kalamidad. Gagawin natin ang lahat para sila’y mabilis na makabangon at makapagpatuloy sa pagbibigay ng edukasyon,” ani Angara.
Agad na naglabas ang Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng pondo na gagamitin sa paglilinis at clearing operations sa mga apektadong paaralan.
Dagdag pa rito, patuloy din ang pakikipagtulungan ng DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggamit ng Quick Response Funds sa mga nasalantang paaralan.
Ayon sa pinakabagong datos, umabot na sa 1,876 classrooms ang may minor damages, 562 ang may malakihang pagkasira, 531 na totally damaged, at 232 naman ang damaged hygiene facilities.
Para sa mga nagtamo ng injury o namatayan dulot ng sakuna, maaaring kumuha ng benepisyong aabot sa ₱100,000 para sa accidental death o dismemberment at ₱30,000 na medical reimbursement para sa inury dulot ng sakuna. | via Florence Alfonso | Photo via DepEd
#D8TVNews #D8TV
