12-Oras na brownout sa bahagi ng Albay, makatakda sa sabado — NGCP

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng 12-oras na brownout sa ilang bahagi ng Albay sa Sabado, Hulyo 26, mula 6:30 a.m. hanggang 6:30 p.m. Apektado rito ang mga bayan ng Polangui, Libon, at bahagi ng Oas at Ligao na sakop ng Polangui substation ng Albay Electric Cooperative (Aleco).

Ayon kay Joyce Balancio ng NGCP, ang brownout ay bahagi ng limang-taong maintenance na kinabibilangan ng pagsubok sa metering equipment tulad ng transformers at lightning arresters sa Ligao-Polangui 69kV line. Layunin nito na maiwasan ang mas malalaking power interruption sa hinaharap.

Sinabi rin ni Anj Galero ng Aleco na sabay nilang isasagawa ang line clearing at hotspot correction habang may power interruption para hindi na mangailangan ng hiwalay na brownout schedule. | via Allan Ortega | Photo via National Grid Corporation of the Philippines/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *