Nagluksa ang buong mundo ng wrestling matapos kumpirmahin ng mga ulat sa US na namatay si Hulk Hogan, ang iconic na “Hulkamania” ng dekada ’80, sa cardiac arrest sa kaniyang tahanan sa Florida.
Pumanaw na si Hulk Hogan, o Terry Bollea sa tunay na buhay, sa edad na 71. Kilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na wrestler noong dekada ’80 at naging mukha ng World Wrestling Federation (WWF). Ayon sa ulat ng NBC News at TMZ, inatake siya sa puso sa kanilang bahay sa Florida.
Si Hogan ay may taas na 6โ7โ at naging simbolo ng “all-American hero” sa wrestling ring, nakilala rin sa mga pelikula tulad ng Rocky III at No Holds Barred. Pinasok din niya ang politika, na naging vocal supporter ni Donald Trump, at lumabas pa sa 2024 Republican National Convention.
Nagkaroon siya ng kontrobersya dahil sa leaked video at paggamit ng racist na salita, dahilan ng pagkakasibak niya sa WWE noong 2015. Na-reinstate naman siya kalaunan sa WWE Hall of Fame.
Ang buong WWE at fans sa buong mundo, nagbigay ng pakikiramay sa pagpanaw ng isang wrestling icon. | via Allan Ortega
#D8TVNews #D8TV
