Ibinaba ng NASA ang panganib ng asteroid 2024 YR4 na tumama sa Earth sa hinaharap. Noong una, may napakaliit ngunit kapansin-pansing posibilidad itong tumama sa 2032. Ngunit matapos ang mas tiyak na kalkulasyon ng landas nito, natukoy na wala na itong makabuluhang banta sa loob ng isang siglo. May 1.7% na tsansa itong tumama sa Buwan sa Disyembre 22, 2032. Patuloy itong susubaybayan ng NASA, kasama ang James Webb Space Telescope, para sa mas detalyadong pag-aaral. Bagama’t hindi na banta, naging mahalagang pagsubok ito para sa planetary defense ng NASA. – via Allan Ortega | Photo via NASA
Asteroid 2024 YR4, hindi na tatama sa mundo sa 2032
