Isang malaking pagbabago ang nagaganap sa Department of Transportation (DOTr) matapos utusan ni bagong kalihim Vince Dizon ang lahat ng kasalukuyang opisyal na magsumite ng kanilang courtesy resignation.
Sa isang memorandum noong Pebrero 24, 2025, inatasan niya ang mga undersecretary, assistant secretary, at direktor na maghain ng kanilang pagbibitiw bago o hanggang Pebrero 26, 2025. Layunin nitong bigyan si Dizon ng kalayaang ipatupad ang mandato mula sa Pangulo.
Si Dizon ay itinalaga bilang bagong DOTr Secretary matapos magbitiw si Jaime Bautista dahil sa isyung pangkalusugan. Dati siyang pinuno ng BCDA at naging bahagi ng National Task Force Against COVID-19.
Isa sa kanyang unang hakbang ay ang pagsuspinde ng muling pagpapatupad ng cashless toll collection sa mga expressway, na dapat sana’y epektibo sa Marso 15, upang muling suriin ang sistema. – via Allan Ortega | Photo via mb.com.ph
Dizon hiniling sa kasalukuyang DOTr usec, asec, at mga direktor na magbitiw sa puwesto
