PhilHealth nagbayad ng P227.5 milyon sa Philippine Heart Center para sa mga heart attack treatment claims

Naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng ₱227.5 milyon bilang bayad sa Philippine Heart Center (PHC) para sa paggamot ng 459 pasyenteng nagkaroon ng atake sa puso mula Disyembre 21, 2024 hanggang Hulyo 18, 2025.

Kasama ito sa bagong pinalawak na benepisyo para sa Ischemic Heart Disease – Acute Myocardial Infarction (IHD-AMI). Malaking bahagi ng bayad ay dahil sa pagtaas ng case rates para sa mga heart attack procedures gaya ng PCI (Percutaneous Coronary Intervention) – mula ₱30,300, ngayon ay ₱523,853, Fibrinolysis – mula ₱30,290, itinaas sa ₱133,500, Emergency Medical Services with Transfer – ₱21,900 at Cardiac Rehab post-PCI – ₱66,140.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na kaya ng PhilHealth tustusan ang tuluy-tuloy na serbisyong medikal. Hinihikayat rin ng PhilHealth ang mga accredited providers na gamitin ang mga expanded benefits.
Para sa mga katanungan sa claims, bukas ang PhilHealth 24/7 sa (02) 866-225-88 o sa mobile numbers ng Smart: 0998-857-2957 / 0968-865-4670 at Globe: 0917-127-5987 / 0917-110-9812. | via Allan Ortega | Photo via PhilHealth/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *