Aabot sa mahigit 100 katao ang naaresto at ₱24 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng Police Regional Office 7 (PRO7) sa loob lamang ng isang linggo.
Ayon sa ulat na inilabas ng PRO7 batay sa kanilang operasyon mula July 13-19, 163 katao ang arestado kontra ilegal na droga na kung saan 3,531.38 gramo ng shabu o halagang ₱24,013,384 ang kabuuang nakumpiska ng awtoridad.
Bukod pa rito, umabot din sa 108 ang mga wanted persons na inaresto ng PRO7 kasama ang 22 kataong kabilang sa most wanted list.
21 naman ang arestado dahil sa pagbibitbit ng baril at 54 naman ang nahuli dahil sa ilegal na pagsusugal.
Ang nasabing mga operasyon ay pinangunahan ni PRO7 Regional Director PBGen. Redrico A. Maranan na siniguradong ipagpapatuloy nila ang kanilang pagpapatupad ng batas.
“This is more than just a week of arrests and seizures. This is a clear message to criminals that we are serious in our mission. PRO7 remains committed to maintaining peace and order through focused, intelligence-driven, and community-supported operations,” ani Manaran.
“We are intensifying our efforts not only to apprehend lawbreakers but to disrupt criminal operations and make our communities safer. This is a whole-of-community effort and we thank the public for their trust and continued cooperation,” dagdag pa niya. | via Florence Alfonso | Photo via Philippine Information Agency
#D8TVNews #D8TV