PRESS RELEASE | BJMP MIMAROPA at NFA Region IV, pormal na lumagda sa kasunduan para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga PDL

[FROM IO-BJMP MIMAROPA Corres JO3 Joefrie Anglo]

Upang masiguro ang tuloy‑tuloy at maaasahang suplay ng pagkain para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), opisyal na nilagdaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) MIMAROPA at National Food Authority (NFA) Region IV ang isang Memorandum of Agreement (MOA) nitong Lunes, Hulyo 21, 2025, sa tanggapan ng NFA–Batangas Branch sa Balagtas, Batangas.

Pinangunahan sa panig ng BJMP MIMAROPA na si Regional Director Jail Senior Superintendent Clarence Mayangao, kasama sina Assistant Regional Director for Operations na si Jail Superintendent Ray De Luna, pati ang mga opisyal ng Regional Logistics Division at Welfare & Development—sina Jail Senior Inspector Santiago Bumolyad Jr. at Jail Inspector Emely Mallen. Ang kanilang presensya ay patunay ng matatag na paninindigan ng BJMP na paigtingin ang serbisyo para sa kapakanan ng mga PDL.

Sa kabilang banda, pinamunuan naman nina NFA Region IV Regional Director Beverly Navarro at Acting Branch Manager Harold Cuartero ang panig ng NFA, kasama ang ilang tauhan ng kanilang tanggapan.

Ani RD Mayangao, ang MOA na ito ay mahalagang hakbang para masiguro ang kalusugan at dignidad ng PDLs sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Dagdag naman ni RD Navarro na ikinagagalak nila na pagtutulungan ng NFA at BJMP para mapalakas ang seguridad sa pagkain sa vulnerable sector.

Batay naman sa datos mula kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, Regional Information Officer ng BJMP MIMAROPA, nasa 2,106 PDLs ang kasalukuyang nasa 19 jail facilities sa rehiyon—na kinabibilangan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Pinapakita ng alyansang ito ang pagkakapareha ng mandato ng BJMP at NFA na pagpapalakas ng food-security measures at institutional preparedness na isang halimbawa ng sustainable development sa loob ng correctional system. (PR)

📷 JO3 Joefrie Anglo, IO-BJMP MIMAROPA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *