Inilunsad ng DOH “Alas-Kwatro Kontra Lamok.” anti-dengue drive

Inilunsad ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang kampanyang “Alas-Kwatro Kontra Mosquito” upang labanan ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa. Pinangunahan ni Health Secretary Teodoro Herbosa, iba pang opisyal ng DOH, at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglilinis sa Barangay Batasan Hills bandang alas-4 ng hapon.
Bukod dito, nagsagawa rin ng clean-up drives ang DOH sa 19 pang lugar sa buong bansa. Namahagi si Herbosa ng larvicide sa mga residente at binigyang-diin ang kahalagahan ng kalinisan upang maiwasan ang pagdami ng dengue. Aniya, ang pangalawang beses ng pagkakaroon ng dengue ay mas mapanganib dahil maaari itong humantong sa hemorrhagic fever.
Ayon sa DOH, mahigit 43,000 kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Pebrero 15 ngayong taon. Samantala, idineklara ng Quezon City ang dengue outbreak matapos makapagtala ng 1,769 kaso, halos 200% pagtaas mula noong nakaraang taon. – via Allan Ortega | Photo via medicalxpress.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *