Matapang na tinanggihan ni Julie ‘Dondon’ Patidongan, o alyas ‘Totoy’, whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, ang paghiling ng public apology ni dating NCRPO Chief Jonnel Estomo matapos niya itong paratangan bilang isa sa mga umano’y ‘alpha member’ ng krimen.
Giit ni Totoy, wala naman siyang kasalanan kay Estomo at sinabi lamang niya ang kanyang nalalaman at ang katotohanan.
“Bakit ako maghingi ng public apology? Wala naman ako kasalanan sa kaniya. Sinabi ko lang naman, na kasali siya sa Alpha.”
Nauna nang sinabi ni Estomo na sasampahan niya ng kaso si ‘Totoy’ kapag hindi siya humingi ng public apology sa pamamagitan ng isang interview, kaugnay sa mga umano’y kasinungalingan nito nang idawit siya nito sa kaso ng mga missing sabungero.
Inihayag pa ni Estomo na hindi niya personal na kilala si ‘Totoy’, habang sinabing isang beses niya pa lang nakikita si Atong Ang na tinuturong ‘mastermind’ ni ‘Totoy’. | via Clarence Concepcion