Aabot sa 6 na milyong indibidwal sa kabisera ng Indonesia ang naapektuhan ng acute respiratory infections dulot ng lumalalang polusyon sa hangin, ayon sa Kalihim ng Kapaligiran na si Hanif Faisol Nurofiq nitong Miyerkules.
Ayon sa Jakarta Globe, umabot sa mapanganib na lebel ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng lungsod, lalo na sa hilagang distrito, batay sa real-time air quality data mula sa apps gaya ng IQAir.
Sinabi ni Hanif na ang pangunahing sanhi ng polusyon ay galing sa usok ng mga pabrika at container trucks.
May 6,800 rehistradong industrial chimneys sa Jakarta posibleng mas marami pa dahil sa mga ilegal na operasyon.
“Sinimulan na naming higpitan ang mga open burning lalo sa mga industriya ng metallurgy at ore smelting,” dagdag ni Hanif.
Babala rin ng mga eksperto: laganap na ang epekto sa kalusugan—may paunang datos na higit 6 na milyong tao ang may sintomas ng matinding sakit sa paghinga.
Ayon sa isang 2023 study ng US National Library of Medicine, ang PM2.5 at ground-level ozone sa Jakarta ay nagdudulot ng 10,000 maagang pagkamatay, 7,000 sakit sa mga bata, at 5,000 ospitalisasyon taon-taon. | via Allan Ortega