Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes, July 18 ang Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub (BPESH) sa Makabagong San Juan National Government Center.
Layunin ng BPESH na gawing mas mabilis, simple, at maginhawa ang pagkuha ng serbisyo publiko isang “one-stop shop” kung saan sa isang punta lang, puwede nang asikasuhin ang maraming government transactions.
Giit ni Marcos, matagal nang pangarap ng gobyerno ang ganitong sistema, at ngayon ay unti-unti na itong natutupad, hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa buong bansa.
Pinuri rin niya ang eGovPH Super App, isang mobile app na pinag-iisa ang mga frontline services ng gobyerno para sa mas mabilis at online na transaksyon.
Ang BPESH ay nagbibigay ng serbisyong tulad ng tulong pinansyal sa medical, libreng legal na konsultasyon, job matching at pagproseso ng clearances at legal records.
May digital features rin ito tulad ng online application, tracking, at feedback. Asahan na raw ang rollout ng mas maraming BPESH sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | via Allan Ortega