Natagpuan ang nawawalang alahas na nagkakahalaga ng P500,000 sa NAIA

Isang babaeng pasahero na nawalan ng P500,000 halaga ng alahas sa NAIA Terminal 3 ay matagumpay na nabawi ang ilang bahagi nito.

Sa social media post ni Kimberly Nakamura, nawawala ang kanyang jewelry box na may lamang wedding rings, diamond necklace, at hikaw habang papunta siya sa Singapore noong Hunyo 28.

Ayon sa kanya, maaaring nahulog ito sa kanyang tote bag o naiwan.


Nag-abiso si Nakamura sa Cebu Pacific, Changi Airport, at NAIA, pero walang nakita.

Nang i-post niya ito sa Facebook, isang Cebu Pacific agent ang nagbalita na nakita ang kahon sa Gate 104 ng NAIA 3. Sa CCTV, lumabas na mahigit 10 NAIA staff ang humawak sa jewelry box mula Hunyo 28–29.

Sabi ni Nakamura, “Mula simpleng lost and found, naging pagnanakaw ito.”


Noong Hulyo 8, nabawi ng Airport Police Department ang kahon, pero ang hikaw at kwintas na lang ang laman. Ang isang staff ay umamin na dinala niya ito sa bahay at walang singsing na nakita raw.


Ayon sa MIAA General Manager Eric Ines, pananagutin ang mga sangkot kahit hindi nagsampa ng kaso si Nakamura.

Makakatanggap naman ng formal commendation ang mga tumulong para ma-recover ang mga alahas sa susunod na flag-raising ceremony. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *