UNICEF, WHO, pinuri ang tagumpay ng Vietnam sa pagbabakuna ng mga bata

Ginulat ng Vietnam ang mundo sa kanilang pag-angat sa immunization coverage para sa mga bata, ayon sa pinakabagong datos ng WHO at UNICEF. Noong 2024, 99% ng mga bata ay naturukan ng unang dose ng DTP vaccine laban sa diphtheria, tetanus, at pertussis—malaking pagtaas mula sa 80% noong 2023.


Dahil dito, bumaba ng 95% ang bilang ng mga batang hindi pa nababakunahan (mula 274,000 sa 2023, naging 13,000 na lang sa 2024).

Halos 1.3 milyon na bata rin ang nabakunahan kontra tigdas mula 2024 hanggang 2025.


Ang tagumpay na ito ay iniugnay sa masigasig na pamumuno ng gobyerno, dedikasyon ng health workers, at suporta ng komunidad.

Tumaas din ang mga nakatanggap ng 3 dose ng DTP vaccine mula 65% (2023) sa 97% (2024), habang ang measles vaccine first dose ay umakyat mula 82% patungong 98%.


Gayunman, may 40,000 bata pa rin ang hindi nakumpleto ang 3 dose ng DTP at 27,000 ang hindi pa nabibigyan ng unang measles shot.

Patuloy na nananawagan ang WHO at UNICEF na palakasin pa ang vaccine supply chain at mas abutin ang mga komunidad na hindi pa naaabot. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *