Tugon ng Malacañang sa mga umano’y fake news ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak ni PCO Undersecretary Claire Castro na ipaglalaban nila ang katotohanan. Giit niya, tungkulin nilang ipaalam sa publiko ang totoo at pigilan ang mga intrigang walang basehan na maaaring makasira sa bansa. Mariin din niyang sinagot ang pahayag ni Duterte na patungo sa diktadurya ang administrasyong Marcos, at binanggit na mismong si Duterte ang umamin sa kanyang dating gawain ng pang-iintriga at pagtatanim ng ebidensya. Nilinaw naman ni Castro na hindi siya tagapagsalita ng Pangulo, kundi tagapagpaliwanag ng mga patakaran ng Palasyo. – via Allan Ortega | Photo via metronewscentral.net
Fake news lalabanan ng Palasyo
