US Navy, magtatayo ng boat maintenance facility sa Palawan

Inanunsyo ng US Embassy sa Maynila na magtatayo ang US Navy ng bagong boat maintenance facility sa Naval Detachment Oyster Bay, Palawan para sa pagkukumpuni ng maliliit na military watercraft ng Pilipinas.


Ayon sa US Embassy, ang facility na ito ay para sa maintenance at repair ng small military boats ng Pilipinas, may dalawang multi-purpose rooms (storage o meeting room) at hindi raw ito military base.

Bahagi ito ng pinalalakas na US-PH defense ties, lalo na sa harap ng tensyon sa South China Sea. Lahat ng aktibidad ay aprubado ng PH government at sang-ayon sa lokal na batas.

Kasunod ito ng nauna nang $500M US military aid at dagdag na EDCA sites.

“Ang US-PH alliance ay pundasyon ng kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific,” — US Embassy. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *