Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa mga local government units (LGUs) na paigtingin ang mga hakbang kontra malnutrisyon, lalo na sa mga paaralan at komunidad, kasabay ng paggunita sa Nutrition month ngayong July.
Giit ng Gatchalian, mahalagang maisakatuparan nang epektibo ang Republic Act 12199 o Early Childhood Care and Development System Act, upang mapakilos ang mga LGU sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyonh pangkalusugan, pang-nutrisyon, at advance na edukasyon para sa kabataan.
“In celebration of Nutrition Month, I urge local government units to ramp up feeding programs in schools and communities, improve access to nutrition services, and invest in long-term strategies such as livelihood support for families,” ani ni Gatchalian.
Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at kalidad ng edukasyon, lalo na at kadalasang nagkakaroon ng problema sa pag-aaral at pag-unlad sa buhay ang mga batang kulang sa sustansya.
“Ang laban para sa edukasyon ay sabay na laban kontra malnutrisyon,” ani pa niya.
Ayon pa kay Gatchalian, tuluy-tuloy at maayos na pagkilos mula sa LGU ang susi para masiguro ang physical at mental development ng mga bata, lalo na sa mga komunidad na kulang sa oportunidad. | via Clarence Concepcion | Photo via Win Gatchalian/Facebook
#D8TVNews #D8TV