Driver na nagbantang mananaksak, suspendido ang lisensya

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver na pinagbantaang sasaksakin ang pasahero dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Sa inilabas na pahayag ng LTO ngayong araw, July 16, hindi katanggap-tanggap ugaling ipinakita ng driver ayon kay Acting Assistant Secretary and LTO Chief, Atty. Greg G. Pua, Jr.

Dagdag niya, marapat lamang ang agarang aksyon lalo na at pinagbantaan niya ang kanyang pasahero gamit ang patalim.

“Maling propesyon ang napasukan ng driver na ito, Hindi hanapbuhay ang hanap nito kundi basag ulo at asunto,” saad ni Pua.

Nahaharap ang driver sa kasong Reckless Driving sa ilalim ng Section 48 ng R.A. 4136 at bilang isang “Improper Person to Operate a Motor Vehicle” sa ilalim ng Section 27(a) ng R.A 4136. | via Florence Alfonso | Photo via pookieyings

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *