Gomez sa mga opisyal ng PCO: Isumite ang courtesy resignation bago o sa Hulyo 18

Inatasan ni bagong talagang Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez ang lahat ng political appointees sa kanyang opisina—maliban sa mga career officials—na magsumite ng kanilang “walang kundisyong” courtesy resignation bago o sa Hulyo 18.

Ayon sa memorandum na nilagdaan noong Hulyo 14 at inilabas nitong Miyerkules, ginawa ito “para sa kapakanan ng serbisyo” at upang mabigyan si Gomez ng kalayaang gampanan ang kanyang mga tungkulin.

Samantala, patuloy pa ring papasok sa trabaho at tutupad ng kanilang tungkulin ang mga Undersecretary, Assistant Secretary, Director, at iba pang presidential appointees ng PCO at mga attached agencies, hangga’t walang pinal na aksyon mula sa bagong pinuno.

Paliwanag ni Gomez, bahagi ito ng normal na proseso ng transisyon. Unang utos niya bilang PCO chief ay ang pagsasagawa ng performance audit para sa patas na ebalwasyon ng opisina, at hindi agad-agad ang revamp. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *