LPA, habagat magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Nagbabala ang PAGASA ngayong Miyerkules ng umaga na asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat.

Ayon sa weather bulletin, ang LPA na nasa 975 km silangan ng southeastern Luzon ay may mataas na tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Apektado ng LPA ang Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte, habang dala naman ng habagat ang ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Cavite, Laguna, Batangas, Zambales, Bataan, Visayas at Mindanao.

Pinaka-delikado ang Palawan, Catanduanes, Sorsogon, Northern at Eastern Samar, Antique, at mga bahagi ng Negros, na posibleng makaranas ng malalakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa ibang bahagi ng bansa, asahan pa rin ang isolated thunderstorms. Katamtamang hangin at alon ang mararanasan sa kanluran at hilaga ng Luzon at Visayas.

Paalala ng PAGASA maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *