Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 50% diskwento sa pamasahe sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 para sa lahat ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Mula sa dating 20% na bawas, tinaasan ito upang matulungan ang mga pamilyang Pinoy sa gitna ng patuloy na gastusin.
Sa kanyang podcast, sinabi ni Marcos na sa ibang bansa ay karaniwan nang may malaking diskwento ang seniors at estudyante kaya’t dapat ganun din sa Pilipinas. Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, ang bagong programa ay araw-araw ipatutupad, kahit weekend at holiday.
Bukod dito, may Pamilya Pass 1+3 Promo rin tuwing Linggo kung saan tatlong kasama ng isang pasaherong may bayad ay libre sakay sa tren! | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV