


Isang tagumpay na naman po para sa Institutional Partnership Program (IPP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang P2.3 milyong financial assistance na atin pong ipinagkaloob sa tatlong non-governmental organization (NGO) ngayong araw, February 24, 2025.
Tig-P1 milyon na tseke po ang handog natin sa Hospicio De San Jose, Inc. at White Cross, Inc habang P300,000 naman para sa Alay Pag-Asa Christian Foundation, Inc.
Dahil sa nasabing programa, nagiging katuwang po natin ang mga gaya nila, kabilang na ang iba’t ibang welfare agencies at charitable medical facilities, sa pagtulong sa kapus-palad nating kababayan.
Kung noong 2024 ay nakapagbigay po tayo ng mahigit P11 million na tulong pinansyal sa 19 partner agencies ng PCSO, pangako po namin na tuloy-tuloy ang aming suporta para sa programang ito ngayong 2025 at sa susunod pa na mga taon.