Tumaas ng 2.9% ang padala ng mga overseas Filipino noong Mayo

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 2.9% ang cash remittances mula sa overseas Filipinos (OFs) noong Mayo 2025, na umabot sa USD2.66 bilyon kumpara sa USD2.58 bilyon noong parehong buwan ng 2024. Sa halagang ito, USD2.12 bilyon ay mula sa land-based OFs at USD536 milyon naman mula sa sea-based.

Dahil dito, tumaas din ang personal remittances—kabilang ang perang ipinadala sa bangko, informal channels, at remittance in kind—ng 3% sa USD2.97 bilyon mula USD2.88 bilyon.

Mula Enero hanggang Mayo, umakyat ang kabuuang cash remittances ng 3% sa USD13.77 bilyon, habang ang personal remittances ay pumalo sa USD15.34 bilyon mula USD14.89 bilyon noong nakaraang taon.

Nangungunang pinanggagalingan ng mga padala ang Estados Unidos, Singapore, Saudi Arabia, Japan, at United Kingdom. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *