Mariing kinondena ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang kumakalat na fake news na bahagi raw si First Lady Liza Marcos sa pagkamatay ni Paolo Tantoco sa isang press briefing ngayong araw, July 15.
Aniya, nakakalungkot na nadadamay sa pamumulitika ang mga pribadong tao na nagluluksa.
Dagdag pa niya, pawang paninira lamang ang mga ito na siyang sinasamantala ng mga obstructionist.
“Ginagamit ng ibang mga obstructionists para masira ang first lady, ang Pangulo, at ang administrasyon na ito,” ayon sa Usec.
“Nakakahiya ang kanilang ginagawa. Naturingang journalists, mga dating spokespersons, [pero] hindi marunong mag-imbestiga nang sarili,” saad ni Castro ukol sa mga nagpapakalat ng pekeng ulat.
Dagdag pa niya, hindi maituturing na journalist ang mga ito, kundi mga propagandista ng kanilang mga sinusulong na interes. | via Florence Alfonso | Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV