Binasag na ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kanyang pananahimik tungkol sa isyu ng kanyang dating Maltese passport, na tinawag niyang bahagi ng isang “smear campaign”. Ayon kay Teodoro, isinuko at tinalikuran na niya ang banyagang pagkamamamayan noong 2021 bago siya tumakbo bilang senador. Nilinaw niyang walang naging isyu rito ang Commission on Appointments nang siya’y italaga bilang DND chief.
Giit niya, pribado siyang mamamayan nang kumuha ng Maltese citizenship para sa trabaho’t paglalakbay sa Europa. “Hindi ito pagnanakaw o katiwalian,” aniya. Sinabi rin niyang walang sikretong maitatago sa AFP, at kumpiyansa siyang hindi naapektuhan ang tiwala ng militar.
Samantala, nanindigan si AFP Chief Gen. Romeo Brawner at 7,000 reservists mula ARRAPI sa kanilang suporta kay Teodoro, na itinuturing nilang tapat sa bansa at Konstitusyon. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV