Nasamsam ng awtoridad ang aabot sa ₱40.8 milyon halaga ng shabu sa Barangay Sto. Niño, San Jose, Negros Oriental sa isinagawang buy-bust operation madaling araw ng Martes, July 15.
Ayon sa ulat, nakuhaan ang suspek na si alyas “Pao” ng aabot sa 6 kilos ng hinihinalang shabu.
Ito na ang pinakamalaking drug-related na operasyon ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) ngayong taon.
Ayon kay NOrPPO Spokesperson Lt. Stephen Polinar, pinaniniwalaan na bagsakan ng mga drogang pumapasok sa probinsya ang inarestong suspek.
“The suspect was under close surveillance and intelligence monitoring for a long time and is believed to be a drop-off point (bagsakan) for illegal drugs coming to the province,” ani Polinar.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ι via Florence Alfono | Photo via NOrPPO
#D8TVNews #D8TV