Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuwag ng Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs (OPAMPA) bilang bahagi ng reporma sa gobyerno sa ilalim ng “streamlining and rightsizing” policy.
Ayon sa EO 89, hindi na kailangan ng hiwalay na opisina para sa military at police affairs sa ilalim ng Office of the President. Sa halip, ang mga tungkulin ng OPAMPA ay ililipat na sa mga umiiral na ahensya gaya ng Office of the Executive Secretary, Department of National Defense, National Security Council, Philippine National Police at National Police Commission.
Lahat ng gamit, dokumento, at opisina ng OPAMPA ay ililipat sa Office of the Deputy Executive Secretary for Support Services and Auxiliaries.
Tinanggap na rin ni Marcos ang courtesy resignation ni dating OPAMPA adviser Roman Felix, kasabay ng patuloy na pagsasaayos ng administrasyon.
Layunin ng hakbang na ito na pababain ang gastos, tanggalin ang redundancy, at gawing mas epektibo ang pamahalaan. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV