Ipinrisinta ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Land Transportation Office (LTO) ang apat na suspek na naaresto sa San Ildefonso, Bulacan dahil sa paggawa at pagbebenta ng pekeng plaka.
Isinagawa ang operasyon sa nagdaang Sabado, July 12, na kung saan naaresto ang apat na indibidwal.
Nakuha sa operasyon ang 51 piraso ng pekeng plaka, printing machines, computer units, machine press, apat na cutting machines, vinyl reflectorized film, isang hole machine, 14 piraso ng tray acrylic letters, tatlong acrylic borders, at isang cold laminate machine.
Nagkakahalaga ng aabot sa ₱400,000 ang mga nakumpiskang ebidensiya mula sa mga suspek.
Nagbabala naman si Transportation Secretary Vince Dizon laban sa mga patuloy na gumagawa ng ganitong ilegal na gawain, aniya, hindi titigil ang ahensya sa pagtugis sa kanila.
“Hindi namin kayo titigilan. Una pa lang ‘to sa marami pa naming huhulihin, ipapasara, kakasuhan, at ipapakulong na gumagawa ng ganitong ilegal na activities,” ani Dizon.
“We laud the LTO-IID headed by Renante Melitante and our partners in the CIDG for this successful operation. We assure the public na hindi titigil ang inyong LTO para matigil ang mga ganitong klaseng iligal na gawain,” dagdag pa ni LTO Acting Assistant Secretary Atty. Greg Pua Jr. | via Florence Alfonso | Photo via LTO
#D8TVNews #D8TV